Ni: Ernest Hernandez

GINAPI ng Las Piñas Home Defenders ang Parañaque Green Beret, 84-76, kahapon para makopo ang No. 2 seed sa South Division ng Metropolitan Basketball Tournament sa San Juan Gym.

Kumubra si Edgar Louie Charcos ng 17 puntos at limang rebounds, habang tumipa si Kim Cyril Aurin ng 17 puntos, apat na rebounds at tatlong steals para mahila ang karta ng Home Defenders sa 5-1.

Nanguna sa Parañaque si Pruvil Bermudes na may 21 puntos at limang assists, habang tumipa si John Uduba ng double-double performance—14 puntos at 13 rebounds.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naisalba naman ng Mandaluyong ang hindi paglalaro ni star big men Joseph Gabayni at Sandy Cenial para magapi ang Pateros, 99-90.

Nagsalansay si Cyrus Tabi ng 16 na puntos, anim na assists at dalawang steals, habang tumipa si Jomil Reyes ng 19 na puntos.

Sa panalo, nakumpleto ng Mandaluyong ang 9-game sweep sa South Division.

Iskor:

(Unang laro)

Mandaluyong Tigers (99): Reyes 19, Tabi 18, Liquinan 17, Monghit 11, Boholano 10, Calapine 6, Sineres 4, Dada 6, Haboc 2, Manalac 2, Teofilo 0.

Isang Pateros (90): Gerero 28, Go 20, Tabasan 20, Buscasas 6, Cayangan 6, Morro 3, Raymundo 3, De Guzman 2, Ramos 2, Cotas 0, Salonga 0, Pelayo 0.

Quarterscores: 26-14, 47-39, 78-61, 99-90.

(Ikalawang Laro)

Las Pinas Home Defenders (84): Aurin 17, Charcos 17, Peralta 14, Tiburcio 12, Tongco 8, Rante 7, Bantayan 4, Salvador 3, Aquiatan 2, Agbayani 0.

Paranaque Green Beret (76): Bermudes 21, Uduba 14, Andico 10, Geronimo 7, Saguiguit 7, Castro 6, Solis 5, Lalata 4,Terania 2, Abaoag 0.

Quarterscores: 19-14, 32-34, 56-50, 84-76.