POSIBLENG pumalo sa P122,929,590.91 o 128 porsiyentong pagtaas ang maipagkakaloob na premyo sa mga horse owner na makikiisa sa mga karera ng Philippine Racing Commission (Philracom) sa susunod na taon.

Umabot sa P53,970,000 ang premyong naibigay sa mga horse owner noong 2016, at tumaas ito sa P71,929,590.91 ngayong taon—may kabuuang 33 porsiyentong pagtaas o P17,959,590.91.

Sa susunod na season, asahan ang higit pang pagtaas ng premyo.

Bunsod ito ng pag-apruba ng Senate at House of Representatives ng karagdagang budget na P51 milyon mula sa Department of Budget and Management (DBM) para magamit sa mga rating-based Philracom races sa 52 linggo ng 2018.

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

Naniniwala ang Philracom na ang malaking pagtaas sa premyo ay madaling makamit dahil sa mataas na kita sa takilya dulot ng pagsuporta ng bayang karerista sa binibitiwang world-class races.

“It’s a domino effect. When you increase the horse-owner’s prizes, they are more engaged in buying new horses. They hire more trainers and more grooms, thus more more income to more people. As a result, they produce better horses that give us better, competitive races. This in turn attracts more racing aficionados,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

“We are therefore thankful to both the Senate and the House of Representatives for boosting the racing industry.”

Hindi maikakaila na napagtagumpayan ng Philracom sa nakalipas na siyam na buwan ang pagtaas ng revenues sa P8 milyon, kumpara sa kinita ng ahensiya may tatlong taon na ang nakalilipas.

Nitong Oktubre 11, 2017, naitala ang horse-racing revenues sa P8,002,595 (0.14%), mas mataas sa P5,653,542,572 at P5,645,539,977 na kinita sa nakalipas na taon.

Sa kasalukuyan, ang Comparative Average Prize of the Day ay tumaas ng 2.96 porsiyento, P214,998.20 mula sa P208,634.14 sa nakalipas na taon, at P208,304.29 noong 2015.

Impresibo rin ang koleksiyon ng Philracom na R22,170,755 average sales kada araw ng karera ngayong taon, mula sa R21,303,924 average sales sa nagdaang season. Ang R2,510,454 average sales kada karera ay mas malaki rin sa P2,450,321 average noong 2016.

Ayon kay Sanchez, nakatulong sa mabilis na pagtaas ng kita ng Philracom ang isinagawang pagbabago sa rating-based handicapping system na nagresulta sa paggabay ng IFHA, na naging miyembro ng Pilipinas.