Ni NORA CALDERON

PATULOY sa paghahatid ng bagong mga palabas ang GMA Network na naiiba sa mga regular teleserye nila sa entertainment TV.

JERIC AT MARTIN copy

Stories for the Soul ang bago nilang inspirational show na magiging presenter si Sen. Manny Pacquiao bilang isa nang Christian at ang mga ipi-present niyang istorya ay batay sa Holy Bible, to nourish the souls of viewers.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

Every last Sunday of the month lamang ito mapapanood, simula ngayong October sa SNBO (Sunday Night Box Office).

Dalawang episodes na ang natapos nila, ang una ay ang “Story of Ruth” na piniling manatili sa piling ng kanyang mother-in-law hanggang sa makakita rin siya ng lalaking muli niyang mamahalin. Si Andrea Torres ang gaganap bilang Ruth, si Shamaine Buencamino ang mother-in-law na si Naomi at ang lalaking muling minahal ni Ruth na si Boaz ay gagampanan ni Mike Tan. Mapapanood ito sa October 29, pagkatapos ng Kapuso Mo Jessica Soho.

Thankful naman pareho sina Jeric Gonzales at Martin del Rosario na sila ang napiling gumanap sa Bible story na “The Prodigal Son.” Pero gagawin nila ang bersiyon nito sa kasalukuyang panahon para mas maintindihan ng mga manonood, titled “Sa Ngalan ng Anak”

“Ako po si Patrick dito, isang panadero sa bakery namin sa probinsiya,” kuwento ni Jeric. “Gusto niyang mag-artista, kaya matapos kunin ang share sa mana niya sa ama, umalis siya, pumunta ng Manila pero kahit anong gawin niya hindi siya nagtagumpay, naubos ang dala niyang pera, inabuso ng mga kaibigan, naging taong-grasa. Doon niya mari-realize na mali ang ginawa niya at naisip niyang bumalik sa ama at humingi ng tawad at gagawin ang lahat para lamang siya tanggapin nito.”

Si Alex naman si Martin del Rosario. “Ako po ang naiwanang nag-alaga sa aming ama at ipinagpatuloy ang trabaho namin sa bakery. Kaya masama ang loob ko nang bumalik si Patrick ay tinanggap siya ng aming ama at ibinigay muli ang mga kaluwagan sa buhay. Ang katwiran naman ng aming ama, ako raw naman ay habang panahon niyang kasama at tinamasa ko ang lahat ng ibinigay niya sa akin, samantalang ang kapatid ko ay naghirap at humingi ng tawad sa kanyang mga pagkakamali.”

Gaganap na ama nina Jeric at Martin si Juan Rodrigo. Director nila si Rechie del Carmen.

Parehong nagbabasa ng Holy Bible sina Jeric at Martin. Noong bata pa si Jeric, knight of the altar siya sa kanilang simbahan sa Calamba, Laguna at every Sunday ay uma-attend siya ng catechism. Paboritong Bible story ni Martin ang “The Prodigal Son” at kung papalarin daw siyang muling kunin sa Stories for the Soul, gusto niyang gampanan ang character ni Zacheus, the tax collector.

Si Jeric habang wala pang bagong teleserye ay busy sa kanyang singing, at nag-a-attend ng workshops sa GMA, like ang acting workshop under Anthony Bova.

Magsisimula na ang bagong teleserye ni Martin sa GMA, ang Hindi Kita Kayang Iwanan with Yasmien Kurdi, Mike Tan, Jackie Rice, Direk Gina Alajar under directors Maryo J. delos Reyes, Neil del Rosario at Rado Peru para sa afternoon prime.