Ni JIMI ESCALA

PRESENT si Councilor Hero Bautista sa State of the City Address (SOCA) ng kapatid niyang si Quezon City Mayor Herbert Bautista last Monday sa plenaryo ng Quezon City Hall. Present din ang mga kasamahan niyang konsehal na kagaya ni Coun. Precious Hipolito-Castelo at ang kanyang asawang Cong. Winston Castelo.Normal na raw ang buhay ngayon ni Hero Bautista at nakakapaglibot na rin siya sa kanyang constituents pakatapos manatili ng isang taon sa drug rehabilitation Center.

HERO LANG_please crop copy copy

Puring-puri si Hero ng mga kasamahan niyang konsehal sa kusang pag-amin sa kanyang pagkakamali. Hindi rin ikinahihiya ng konsehal ang kanyang pagpasok sa rehab. Hinarap rin ni Hero ang reporters at sinagot ang lahat ng mga tanong tungkol sa kanyang pagkakalulong sa masamang bisyo.

Mga Pagdiriwang

ALAMIN: 10 bansang hindi nagdiriwang ng Pasko

August 2016 nang boluntaryong pumasok sa rehabilitation center si Hero para tuluyan nang wakasan ang pagkakagumon sa paggamit ng ipinagbabawal na gamot.

“Ito, mabuti na po ako ngayon. Nagtatrabaho na tayo. I am working for good at nakumpleto ko na ang programa sa rehabilitation center,” sabi ni Hero.

Idinagdag niya na sa naturang rehab center siya tuluyang nakatalikod sa dating bisyo.

“Kailangan nating magtrabaho talaga. May obligasyon tayo para sa mga constituents natin at siyempre sa dalawang anak ko. I’m getting old and I have to stop childish things and I have to concentrate on my work for my kids,” sey pa ni Konsehal Bautista.

Hindi kinalimutan ni Hero na magpasalamat sa mga nasasakupan niya.

“Salamat sa kanila dahil tinanggap pa rin nila ako. They missed me a lot. They are looking forward for me to be with them and serve them,”aniya.

Inamin ni Hero na marami siyang natutuhan sa loob ng isang taong pagpapa-rehab.

“Natutunan ko ‘yung self-respect, humility and acceptance na I have to bear with myself, na kailangan mag-mature na ako and of course, it is time for me to concentrate and focus sa work, sa pagiging father ko and siyempre to serve my constituents,” seryosong lahad niya.