Ni REGGEE BONOAN

NAGULAT si Iñigo Pascual nang kantahin ng American trio na Airspoken ang awitin niyang Dahil Sa ‘Yo na ilang buwang number one sa Philippine Billboard Chart.

IÑIGO copy copy

Ini-record ng Airspoken ang Dahil Sa ‘Yo na inihalo sa awiting Havana at Rockstar na napakaganda ng resulta dahil nag-blend ang melody ng mga kanta.

Human-Interest

Netizens nanimbang sa nakaambang buwis sa freelancers, digital workers

Proud na proud na ipinost ni Iňigo ang music video ng Airspoken, “Please Share! THIS IS AMAZING! Never thought these songs would go together AMAZING COVER!”

Nakakapagtaka noong una kung paano napili ng trio ang kanta ni Iñigo para i-record, pero nalaman namin na personal pala nilang narinig ang Dahil Sa ‘Yo nang nagkaroon sila ng mall shows dito sa Pilipinas kamakailan at nagustuhan nila ang timbre ng boses ng binata.

Halos kaboses din ni Iñigo ang Airspoken at ayon sa manager nilang si Chris Vea, babalik ng Pilipinas ang grupo at planong manatili ng dalawang linggo para bisitahin ang Cebu at karatig bayan nito pati na ang Negros.

“We are aiming to have Airspoken back in the Philippines by late January to Early February of 2018,” sabi ng manager.

Samantala, napaka-busy ngayon ang nag-iisang anak ni Piolo Pascual sa kaliwa’t kanang commitments lalo na sa dumarami niyang product endorsements. Kasalukuyan din siyang nagso-shoot ng bago niyang music video para sa next album at naghahanda na rin sa kanyang nalalapit na thanksgiving concert bago matapos ang taon.

Paalis din si Iñigo kasama sina Yeng Constantino at KZ Tandingan para sa Dubai Music Festival ngayong Nobyembre.

Kaabang-abang din ang kanyang international project na hindi pa puwedeng banggitin.

Bagamat mahal din ni Iñigo ang pag-arte na namana niya sa kanyang ama, mas nalilinya siya ngayon sa musika.