Ni: Mike U. Crismundo

BUTUAN CITY – Dalawampung katao ang nasugatan, lima sa kanila ang kritikal, makaraang salpukin ng dump truck ang sinasakyan nilang bus dahilan upang tumaob ito sa highway ng Democrito Plaza Avenue sa Purok 16, Barangay Mahay, Butuan City, Agusan del Norte.

Naka-confine sa magkakaibang ospital sa Butuan ang mga biktimang sina Sarah T. Calamba, 32, ng Bgy. San Roque, Kitcharao; Adrienne G. Balan, 27, ng Bgy. Cuyago, Jabonga; Lina B. Alabat, 65, ng Bgy. Simbalan, Buenavista; Juliana Uy Mundia, 76, ng Bgy. Bonbon, Butuan; Ramilyn E. Alabat, 34, ng Bgy. Pigdaulan, Butuan; Roberto G. Sabanal, 73, ng Bgy. Simbalan, Buenavista; Helen N. Guitterez, 47, ng Bgy. Holy Redeemer, Butuan; Rita M. Omac, 33, ng Bgy. Cabcabon, Butuan City, Agusan del Norte; Arlene M. Barreza, 46, ng Dinagat Island; at Agripina C. Pertacorta, 53, ng Tagum City, Davao Del Norte.

Nasugatan din sa aksidente sina Erlinda H. Tagbi, 57, ng Sibagat, Agusan Del Sur; Lorrige A. Gabato, 36, ng Esperanza, Agusan Del Sur; Jocelyn L. Sincero, 42, ng Cagayan De Oro City; Manny M. Acut, 30; Elsa B. Acut, 31, kapwa ng Bgy. Obrero, Butuan; Ronnel P. Torres, 26; Esterlita P. Torres, 58, kapwa ng Santiago, Agusan Del Norte; Jessie N. Guitterez, 3, ng Bgy. Holy Redeemer, Butuan; at Elsie M. dela Cruz, 66, ng Bgy. Pigdaolan, Butuan.

Probinsya

Catanduanes, niyanig ng magnitude 6.1 na lindol

Ayon sa report ng Butuan City Police Office, bandang 6:15 ng gabi nitong Huwebes nang aksidenteng mabangga ng Sinotruk dump truck (AAI-2395) na may kargang buhangin ang likuran ng Bachelor Bus (KVU-821) pagsapit sa Demorito Plaza Avenue.

Pakanan noon ang bus para huminto at magbaba ng pasahero.

“As a result of impact, the passenger bus was turned turtle which resulted in the multiple injuries to the said bus passengers,” saad sa police report.

Nasugatan din sa aksidente ang bus driver na si Augusto Deguinio, Jr., 33, habang kusa namang sumuko sa pulisya ang driver ng truck na si Rechie B. Serbo, 31 anyos.