psc copy

IISANG boses mula sa 76 universities, colleges, sports at athletic organizations sa bansa ang narinig para sa pagkakaisang magbuo ng ‘unified body’ sa collegiate sports matapos ang isinagawang National Consultative Meeting for Collegiate Sports nitong Huwebes sa Philsports Complex sa Pasig City.

Ikinatuwa ni Philippine Sports Commission (PSC) Chairman William ‘Butch’ Ramirez ang nagkakaisang diwa nang mga collegiate sports leaders sa pangangailangan ng bansa para mas mapatatag ang grassroots sports development.

Nagtakda ng muling pagpupulong sa Nobyembre kung saan ilalatag ang gagamiting bylaws, guidelines at mangungunang leaders sa asosasyon.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

“In the meantime, the PSC shall take the initative to write each of your organizations’s President to formally report on the concensus reached in this 2-day meeting,” pahayag ni Ramirez.

Iginiit ni Ramirez na malaki ang pangangailangan para mapagisa ang mga programa sa elementary, high school at college level ng mga atleta.

“Most times, our children do not have much options after elementary or high school. They should have a clear direction on what option they have in the university level,” sambit ni Ramirez.

Napapanahon din aniya na bigyan ng pansin ang tertiary level na pundasyon ng bansa para makamit ang inaasahang grupo ng mga elite athletes.

Napagkasunduan din ng mga sports leaders na maging aktibo sa pakikipag-ugnayan para sa programa ng Philippine Sports Institute (PSI) sa sports research, scientific coaching at grassroots sports.

Nagkakaisa rin sa isyu hingil sa pagbibigay ng proteksyon sa mga atleta na sinanay ng kani-kanilang eskwelahan.

“We need the safeguarding of local home-grown athletes. Kung kailan sila hinog, tsaka sila kinukuha…nawawala,” pahayag ni Dems Toledo, sport director ng University of San agustin.

Matatag naman ang paninindigan ni Manuel Paster Jr. ng Philippine Association of State Universities and Colleges (PASUC).

“Kung tayo ay Pilipino, kung mahal natin ng Pilipinas, we have to move and legislate a national federation without losing other organization’s identity,” aniya.