NI: Czarina Nicole O. Ong

Pinatawan ng Sandiganbayan Third Division ng 90-araw na suspensisyon si Negros Oriental Gov. Roel Ragay Degamo dahil sa mga kasong kriminal na kinahaharap niya kaugnay ng hiniling umano niyang P480.7-milyon Special Allotment and Release Order (SARO) noong 2012 para sa mga proyektong imprastruktura sa lalawigan.

Tumugon ang korte sa motion to suspend ng prosekusyon dahil si Degamo “may frustrate his prosecution or commit further acts of malfeasance or do both.’

Kinasuhan si Degamo ng graft at 11 malversation through falsification sa maling paggamit ng pondong inilaan sa rehabilitasyon ng probinsiya, na katatapos lang noong salantain ng bagyong ‘Sendong’ at ng 6.9 magnitude na lindol.

Probinsya

Mag-inang menor-edad, natagpuang nabubulok na bangkay sa loob ng sariling bahay

Iginiit ng prosekusyon na dapat na suspendihin si Degamo habang dinidinig ang kaso nito, sa kabila ng kahilingan ng abogado ng gobernador na panatilihin itong naglilingkod sa kapitolyo.

Inatasan na ang pagbibigay ng kopya ng suspensiyon sa Department of Interior and Local Government (DILG), na magpapatupad nito.