Ni Kier Edison C. Belleza

Ang Boracay, Cebu, at Palawan ang tatlong pinakamagagandang isla sa mundo, batay sa survey na inilabas kamakailan ng isang international travel magazine.

Ayon sa Condé Nast Traveler (CNT), nanguna ang Boracay sa listahan ng pinakamagagandang isla sa mundo, kasunod ang Cebu at Palawan.

Bagamat napanatili ng Boracay ang posisyon nito noong 2016, dinaig ng Cebu ang Palawan ngayong taon nang pumangalawa sa listahan mula sa ikalimang puwesto noong nakaraang taon. Pumangalawa ang Palawan sa listahan noong 2016.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“More than 300,000 travellers took part in our 30th annual Readers’ Choice Awards survey — setting yet another new record — submitting millions of ratings and more than 100,000 comments to help us create a list of winning favorites,” saad sa website ng CNT.

Ayon sa website, bumoto ang respondents sa survey, edad 30s-60s, sa 255 isla para tukuyin ang 30 pinakamagaganda sa mundo, sa labas ng Amerika.

Dinaig ng tatlong isla ng Pilipinas ang iba pang sikat na beach destination sa mundo, gaya ng Mallorca sa Spain (4th place); Mykonos, Greece (5th); Bermuda (6th); St. Barts (7th); Turks and Caicos (8th); Bali, Indonesia (9th); at Cayman Islands (10th); St. Lucia (11th); St. John, U.S. Virgin Islands (12th); Crete, Greece (13th); Sardinia, Italy (14th); at Ibiza, Spain (15th).