Ni GENALYN D. KABILING, May ulat nina Beth Camia at Fer Taboy

Sinimulan na ng militar ang pag-pullout sa ilang sundalo mula sa Marawi City ilang araw makaraang ideklara ni Pangulong Rodrigo Duterte na malaya na ang siyudad sa impluwensiya ng mga terorista.

Children wait for the arrival of their father who fought in Marawi at the Villamor Airbase in Pasay City. Soldiers were going home after the five-months battle against Maute group.(photo by ali vicoy)
Children wait for the arrival of their father who fought in Marawi at the Villamor Airbase in Pasay City. Soldiers were going home after the five-months battle against Maute group.(photo by ali vicoy)

Sinabi ni Armed Forces of the Philippines (AFP) spokesman Major Gen. Restituto Padilla Jr. na pinauwi na ng militar ang 1st Infantry Battalion para sa “much-needed break” at para na rin sa pagsasanay sa susunod na assignment ng mga ito matapos ang limang-buwang pakikipagbakbakan sa Marawi.

Hugot ng netizen tungkol sa 'Andito na tayo sa edad na...' umani ng reaksiyon

Isa sa mga unang grupo ng sundalo na ipinadala sa Marawi, tumanggap din ang 1st IB, na pinamumunuan ni Lt. Col. Christopher Tampus, ng Silver Cross Medal at isang Command Plaque mula sa Western Mindanao Command para sa pagre-rescue sa 34 na bihag, ayon kay Padilla.

“As we see the endgame of the armed hostilities inside Marawi, we will be shifting our forces to other areas for their required training and for their scheduled battalion or unit activities,” sabi ni Padilla. “They will also be going back to Luzon for a much-needed break and for their long-delayed training in Fort Magsaysay and in other camps of the Philippine Army to enhance their skills and prepare them for their next mission.”

Mas marami pang sundalo ang inaasahang ipu-pullout na mula sa Marawi para sa mga bago nilang assignment.

“There will be other units that will be leaving Marawi after First Infantry Battalion, and the basis for their departure from Marawi will be, as I mentioned earlier, if you came in first, you will be the first to leave,” paliwanag ni Padilla. “We are actually leaving other units to ensure the continuity of security coverage even during the process of the rehabilitation, reconstruction, and rebuilding of Marawi.”

Kasabay nito, excited na rin ang mga sundalong nakipagbakbakan sa Marawi ngayong patapos na ang krisis sa siyudad, dahil sa una nang ipinangako ng Pangulo na all-expenses paid trip sa Hong Kong para sa mga sundalo at kani-kanilang pamilya.

Naniniwala naman si Padilla na isa ang pangakong bakasyon sa Hong Kong sa mga nagsilbing motivation ng mga sundalo para magtagumpay sa Marawi.

Samantala, napaulat kahapon na 10 sa mga natitirang miyembro ng Maute Group sa Marawi ang sumuko umano sa militar ilang araw makaraang mapatay ang mga lider nilang sina Isnilon Hapilon, Omar Maute, at Dr. Mahmud Ahmad.

Wala pang kumpirmasyon ang nasabing balita, bagamat inihayag ng militar na aabot na sa 897 ang napatay na terorista sa Marawi.