Ni: Beth D. Camia
KINATIGAN ng Court of Appeals (CA) ang desisyon ng Taguig City RTC na nagpapahintulot kay Deniece Cornejo at dalawang iba pa na makapagpiyansa.
Kaugnay ito ng kasong serious illegal detention na may kinalaman sa pambubugbog kay Vhong Navarro noong january 2014.
Base sa desisyon ng CA ninth division , nabigo ang Department of Justice at si Navarro na makapagpakita ng katibayan na umabuso si Judge Esperanza Paz Cortes ng Taguig RTC Branch 271 sa pagpayag nitong makapagpiyansa sina Cornejo, Cedric Lee, at Simeon “Zimmer” Raz sa kasong serious illegal detention.
Sina Lee, Cornejo at Raz ay nakalaya noong September 2014 nang magpiyansa ng tigkalahating milyong piso.
January 22, 2014, nang bugbugin ng grupo ni Lee si Navarro matapos umanong halayin si Cornejo sa condominium ng model-stylist.