Ni: Leandro Alborote

ANAO, Tarlac - Naglunsad ng malawakang manhunt operation ang pulisya laban sa isang 18-anyos na lalaki, na humalay umano sa kanyang pamangkin sa Barangay Sinense, Anao, Tarlac, nitong Huwebes ng gabi.

Sinabi ni SPO1 Cyrell Lacayanga na 13-anyos lamang ang biktima, habang ikinokonsidera ring menor de edad ang suspek, na kapwa taga-Bgy. Sinense sa Anao.

Napag-alaman na dakong 9:00 ng gabi nang nagtungo ang dalagita sa bahay ng kanyang lolo at lola para manood ng telebisyon, pero nang sila na lamang ng suspek ang naiwan ay kinaladkad ng huli ang dalagita sa kusina at doon umano hinalay.

Probinsya

74-anyos na lolang hinabol ang alagang pusa, patay matapos mabangga

Kaagad namang nakapagsumbong sa kanilang mga kaanak ang biktima, pero tumakas na ang suspek.