Ni JIMI ESCALA
TAHASANG itinanggi ni Matteo Guidicille ang isyu na umalis ang kasintahang si Sarah Geronimo sa bahay ng pamilya nito.
Lumabas kasi ang isyu na nagkaroon daw ng matinding sagutan si Sarah at ang ama nito, na nauwi sa pag-aalsa-balutan ng singer/aktres.
Wala raw itong katotohanan, sabi ni Matteo.
Pero isang childhood friend ni Sarah ang nakausap namin at nagsabing may katotohanan ang isyu.
Kuwento ng source sa amin, ay madalas naman daw kasing nagkakatampuhan si Sarah at ang mga magulang niya.
Katunayan, ilang beses na rin naman daw umalis sa bahay nila si Sarah pero pagkaraan ng ilang araw ay kusang bumabalik.
Hindi itinanggi ng source itong huling isyu sa mas matinding tampuhan ni Sarah at ng ama kamakailan lamang.
“Sa totoo lang naman kung si Mommy Divine lang ang katampuhan ni Sarah ay madali nilang naaayos na mag-ina ‘yun, pero iba kung ang ama niya ang katampuhan niya. Alam naman nating mas may takot si Sarah sa ina niya kaysa ama,” sey ng kausap namin.
Banggit pa rin ng source, kaya nga raw ilag si Matteo sa ama ni Sarah, kaya hanggang ngayon ay hindi pa nagkakaseryosohan ng usapan ang dalawa.
Ganoon na lang daw ang pag-iwas ni Matteo sa mga nagtatanong kung totoong mainit ang dugo ni Daddy Delfin sa kanya.
“Ayokong magsalita tungkol sa isyung ‘yan. Pero hoping tayo na magiging okey ang lahat ,” matipid na tugon ni Matteo nang tanungin tungkol dito.