Ni DINDO M. BALARES

WALA pang ibang Pinay singer at concert artist na puwedeng mag-claim sa puwesto ni Regine Velasquez sa Philippine entertainment industry. Sa namasdang reaction ng music lovers at concert-goers simula nang ipahayag ang kanyang 30th anniversary celebration, matagal-tagal pa ang ipaghihintay ng mga nakatanaw at nangangarap na umupo sa trono niya.

REGINE copy copy

Sa loob ng dalawang araw simula nang ibenta, sold out agad ang tickets ng kanyang anniversary concert titled P3.0 na gaganapin na sa Mall of Asia Arena bukas, Sabado, October 21.

'Iconic women!' Pinakamalaki at pinakamaliit na babae sa buong mundo, nagkita!

Dahil sa panawagan ng libu-libo pang fans niya, dito at sa ibang bansa, na naubusan ng upuan, kinumbinsi ng Viva Live si Regine na magtanghal ng second show. Pumayag si Regine at isasagawa ito kinabukasan din agad (Linggo, October 22) sa naturang ding venue. Available pa ang tickets para sa Sunday show.

Muli ring napatunayan ang enduring appeal ni Regine sa dalawang big hit singles na nagawa niya sa loob lamang ng isang buwan, ang kanyang cover sa Tadhana ng Up Dharma Down na ini-release nitong Agosto at ang bagong original na Hugot na inilabas naman pagkaraan ng dalawang linggo. Parehong laman ng upcoming album niya, titled P3.0 rin, ang dalawang hit.

Napakaraming nag-abang at mabenta ngayon ang R3.0 album na naglalaman ng tatlong discs na Rise na kinapaloloban ng mga bagong composition ng local songwriters tulad ng Hugot ni Michael Mendoza, Higher ni Jimmy Borja at Skybound ni Mayniell Dulay; laman naman ng Renditions disc and old favorites na madalas niyang kantahin sa kanyang shows tulad ng Tadhana, If You Go Away, Usahay at iba pa; at ang ikatlong disc na Reflections ay reworkings naman sa ilang biggest hits niya tulad ng You Are My Song, I Can, Dadalhin, On The Wings Of Love at iba pa.

Ang buyers ng Platinum tickets ng R3.0 ay may free copy ng special 3-disc commemorative edition ng P3.0 album.

Ang P3.0 ay presented by Viva Live at IME in cooperation with GMA Network at co-presented ng PLDT Home, Belo Medical Group, at major sponsor and GAOC.

Ang R3.0 ay celebration din ng pagbabalik ni Regine sa Viva na naghatid sa kanya sa napakaraming tagumpay. Sa Viva siya unang nag-record noong 1987 ng first album na nagbigay ng first hit niyang Urong Sulong at kinapalooban din ng kanyang first movie theme song na Isang Lahi na ginamit sa Gabi Na Kumander. Sinundan ito ng iba pang hits tulad ng On The Wings Of Love, Dadalhin, Ikaw, at napakaraming iba pa.

Sa Viva rin siya inilunsad bilang aktres sa pamamagitan ng Wanted Perfect Mother kasama si Christopher de Leon, na nagbigay din sa kanya ng big hit na You Are My Song. Sinundan ito ng blockbusters na Kailangan Ko’y Ikaw with Robin Padilla, Ikaw Lamang Hanggang Ngayon with Richard Gomez at Of All The Things na si Aga Muhlach naman ang leading man.

Ang unang concert ni Regine ay Viva rin ang nagprodyus, sa Folk Arts Theater. Siya ang nangungunang concert artist sa bansa na nagtatanghal din sa iba’t ibang bahagi ng mundo. Sa Viva TV rin nagkaroon ng hosting debut si Regine, sa talent show na Star for a Night na pinanggalingan ni Sarah Geronimo at ni Rachelle Anne Go.

Ang achievements na ito at ang napakaraming iba pa ang dahilan ng pagdiriwang sa MOA bukas at sa Linggo kasama sina Ogie Alcasid at Sarah Geronimo at iba pang surprise guests.