Ni: Marivic Awitan

Laro ngayon

(Araneta Coliseum)

7:00 n.g. -- Meralco vs Ginebra

'Pikon daw?' UAAP fan na nag-dirty finger, agaw-eksena sa San Juan Arena!

(Best-of-Seven, Kings, 2-1)

Game 1: Ginebra 102-87 Meralco

Game 2: Ginebra 86-76 Meralco

Game 3: Meralco 94-81 Ginebra

MAKALARGA na nang tuluyan ang Ginebra o makatabla ang Meralco.

Ito ang senaryo na nais maganap ng mga tagahanga ng magkabilang koponan sa pagpalo ng Game 4 ng PBA Governors Cup bst-of-seven championship ngayon sa Araneta Coliseum.

Napigil ng Bolts ang ratsada ng Kings ng maagaw ang 94-81 panalo sa Game 3 nitong Miyerkules, sa pamumuno nina Best Import Allen Durham at veteran forward Reynel Hugnatan.

Nagsalansan si Durham ng 38 puntos at 20 rebounds habang nagdagdag si Hugnatan ng 22 puntos na tinampukan ng pitong triples off-the-bench para giyahan ang Bolts sa pagpuwersa ng Game Four.

Gayunman, kapalit ng naturang panalo ang masaklap na pangyayari sa kanilang beteranong wing man na si Ranidel de Ocampo.

Hindi makakalaro si de Ocampo matapos magtamo ng strained left calf muscle.

“It’s gonna be tough going forward, especially with Ranidel being out,” pag -amin ni Bolts coach Norman Black. “But at the same time, we still have some guys that are out there fighting. We’ll go to war with them and we’ll do the best we can.”

Sa pagkawala ni de Ocampo, inaasahan ni Black na mag -step-up upang sumuporta kay Durham sina Hugnatan, Chris Newsome, Cliff Hodge, Jared Dillinger at Baser Amer.

Para naman sa Kings, tiyak namang magkukumahog upang makabawi sina import Justine Brownlee katulong ang mga locals na sina LA Tenorio, Japeth Aguilar, Scottie Thompson, Sol Mercado at Greg Slaughter.