Ni: Genalyn D. Kabiling at Ellalyn De Vera-Ruiz

Determinado ang gobyerno na maisakatuparan ang isang “progressive and inclusive nation” makaraang makakuha ng “very good” public satisfaction rating sa bagong survey.

“We are grateful that our people continue to recognize the hard work of the Duterte administration as public satisfaction remains ‘very good’ at +58,” saad sa pahayag ni Presidential Spokesman Ernesto Abella.

Sa survey ng Social Weather Stations (SWS) nitong Setyembre 23-27, nakakuha ang administrasyong Duterte ng net satisfaction grade na +58, o very good, mababa ng anim na puntos sa +64 rating na naitala noong Hunyo.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Samantala, bumaba naman mula sa “very good” at “good” na lang ngayon ang grado ng administrasyon sa pagpapahalaga sa human rights at land distribution, gayundin sa pagresolba sa mga kaso ng extrajudicial killings, na mula sa “good” ay naging “moderate” sa SWS Governance Report Card.

Samantala, nakatanggap naman ng “very good” grades ang gobyerno sa pagsisikap nilang matulungan ang mahihirap (+67), protektahan ang kapaligiran (+58), ipagtanggol ang karapatan sa teritoryo ng bansa (+52), at pagkakaloob ng mga trabaho (+50).

Nakatanggap naman ng “good” ang pamahalaan pagdating sa land distribution (+49), paglaban sa terorismo (+47), pagpapahalaga sa human rights (+46), foreign relations (+40), pakikipag-ayos sa mga rebeldeng Muslim (+38), paglaban sa graft and corruption (+35), pakikipag-ayos sa communist rebels (+35), at paglaban sa krimen (+30).

Tinanong ng SWS ang 1,500 respondents na i-rate ang administrasyong Duterte sa 17 specific subjects sa nasabing panahon.