Ni: Rommel P. Tabbad

Sinibak ng Office of the Ombudsman sa serbisyo si dating Island Garden City of Samal Mayor Aniano Antalan, ng Davao del Norte, nang mapatunayang nagkasala sa grave misconduct dahil sa pagtanggap ng P200,000 “cash gift” mula sa isang non-government organization (NGO) kapalit ng kasunduan para sa implementasyon ng micro-finance projects noong 2012.

Pero dahil wala na sa puwesto, pagmumultahin na lamang ang dating alkalde ng katumbas ng isang taong suweldo nito.

Bukod sa dismissal from service, pinagbawalan na rin si Antalan na magtrabaho sa pamahalaan, at kinansela ang kanyang retirement benefits, maging ang kanyang civil service eligibility.

Probinsya

OFW na hinoldap, inundayan ng saksak sa terminal sa Maynila, nakauwi na ba sa pamilya?

Pinakakasuhan din ng tatlong bilang ng indirect bribery at dalawang bilang ng paglabag sa Section 3(b) ng Anti-Graft and Corrupt Practices Act (RA 3019) si Antalan.

“Records show that in December 2012, a Memorandum of Agreement was entered into by the local government, party list COOPNATCCO and the Samal Island Multi-purpose Cooperative (SIMC). The MOA pertained to the P5 million Priority Development Assistance Fund of then party list representative Cresente Paez of COOPNATCCO,” saad sa pasya ng Ombudsman. “The MOA tasked the local government to receive funds to be delivered to SIMC and to recommend the priority micro-finance projects and beneficiaries.”

Natuklasan ng anti-graft agency na natanggap ng SIMC ang P5-milyong pondo noong Disyembre 28, 2012 at sa naturang petsa, nagbigay ang SIMC ng P200,000 bilang “cash gift”.