Ni: Marivic Awitan

NAKAMIT ng Philippine Women’s University at University of Makati ang tsansang pag-agawan ang karapatang hamunin ang reigning champion Centro Escolar University’ para sa 48th Women’s National Collegiate Athletic Association (WNCAA) senior basketball tournament title.

Ginapi ng PWU ang Assumption College, 60-46, habang tinalo ng baguhang UMAK ang San Beda College Alabang, 79-48, sa quarterfinals na idinaos sa Assumption Makati gym upang maitakda ang kanilang playoff para sat second finals slot.

Winalis ng 6-time defending champion CEU ang lahat ng apat nilang laro sa eliminations upang direktang umusad ng finals bitbit ang twice-to-beat incentive.

Kauna-unahang Olympics gold medal, ipinasusubasta sa nasa halagang <b>₱31M</b>

Para naman sa juniors division, maghaharap ang defending champion Chiang Kai Shek College at La Salle College Antipolo at ang De La Salle Zobel at San Beda sa semifinals.

Sa midgets play, inungusan ng Miriam ang seven-time defending champion DLSZ, 49-46, para makasalo sa liderato ng St. Paul College Pasig sa barahang 5-1, habang nanatili naman ang DLSZ sa second spot hawak ang markang 4-3.

Sa volleyball na idinaos sa Rizal Memorial Coliseum,kinumpleto ng midgets volleyball title holder DLSZ ang seven-game sweep ng elimination round matapos ang 25-18, 25-19.

Namayani din ang St. Paul kontra St. Scholastica’s College, 25-10, 25-22.