NI: Fer Taboy

Kritikal ang lagay ng isang pulis makaraang mabundol ng van sa kasagsagan ng convoy dry-run para sa Association of Southeast Asian Nations (ASEAN) Summit sa Marilao, Bulacan, nitong Linggo.

Kinilala ni Supt. Ricrado Pangan Jr., OIC ng Marilao Municipal Police, ang naaksidente na si PO1 Mark Mendoza, nakatalaga sa ASEAN Summit Security.

Nakapiit naman ang suspek na si Marcial Mayola, driver ng Toyota Hi-Ace van.

Probinsya

2 roving pulis, patay sa tama ng kidlat

Batay sa imbestigasyon ng pulisya, madaling araw at nakatayo si Mendoza sa lugar na daraanan ng convoy dry-run sa Marilao nang mabundol ito ng van ni Mayola.

Ayon kay Mayola, maulan noon at madulas ang kalye kaya nangyari ang aksidente.

Aniya, nawalan siya ng kontrol sa sasakyan makaraang iwasan niya ang isa pang sasakyan.