Ni: Light A. Nolasco
BALER, Aurora - Nagbabala ang Department of Trade and Industry (DTI)-Aurora na huwag maniwala sa mga nagpapakilalang kawani ng kagawaran na gumagala sa lalawigan.
Nagsusuri umano ng mga tangke ng LPG ang mga impostor, at pagkatapos ay mag-aalok ng mga safety device para umano makatipid sa pagkonsumo nito.
Ayon kay Pacita Bandilla, DTI-Aurora provincial director, wala umano silang tauhan na nagbabahay-bahay para mag-alok ng mga produkto. Wala rin umanong safety device na itinitinda ang DTI-Aurora.
Hinala niya, maaaring naniniktik lang ang mga kawatan para makapagnakaw, kasabay ng panawagang isumbong agad sa mga awtoridad kung makakaharap ang mga impostor na ito.