Ni: Nitz Miralles
NARIRITO na sa Pilipinas si Conan Stevens, ang Australian actor na makakalaban ni Marian Rivera bilang si Minerva sa Super Ma’am. Gaganap na Tamawo si Conan at exciting ang magiging laban nila ni Marian.
Sa report sa 24 Oras, next week na magsisimula ang taping ni Conan na under contract sa GMA Artist Center. Pero sabi ni Direk LA Madridejos nang tanungin namin nang makita namin sa set visit namin last Monday, this week na magti-taping ang aktor. Para hindi tayo malito, hintayin na lang ang paglabas ni Conan sa serye.
Sa interview namin kay Marian, nabanggit niyang kahit mahirap gawin ay enjoy siya sa fight scenes sa Super Ma’am, may mga nagpa-flashback sa ginagawa niyang fight scenes dati lalo na at naka-high heels siya.
Nagulat siya sa isyung lumabas na inisnab siya ni Cristine Reyes sa premiere night ng Seven Sundays. Nakita kasi sa isang video binati ni Cristine ang lahat maliban ay Marian.
“Hindi nakita sa video na pagkatapos batiin ni Cristine ang cast, binati niya ako. Hindi ko naman dapat i-demand na unahin niya akong batiin o kaya’y tumayo ako at sabihin ko sa kanya, nandito ako, batiin mo ako. Alam ko naman kung saan ako lulugar,” pahayag ni Marian.
Nanghinayang si Marian na hindi sila nagkita ni Liza Soberano dahil late itong dumating. Paalis na siya nang dumating ito. May next time pa naman daw.
Anywy, masaya si Marian sa good reviews na nakukuha ni Dingdong Dantes sa Seven Sundays.
“Ang galing niya, nakaka-touch. Maganda ang pelikula, pinapa-realize ang importance ng pamilya. Nakyutan ako sa ending. Nagsayawan sila,” kuwento niya.
Nagkita sina Marian at Charlene Gonzales sa premiere night. Nag-usap daw sila about life at may usapang magda-date silang apat.
“Foursome date ang gagawin namin. Sina Charlene at Kuya Aga at kami ni Dingdong. Sana matuloy, dahil ‘yung date namin ni Dong kasama sina Judy Ann (Santos) at Ryan (Agoncillo), hindi pa natutuloy. Gusto naming ipag-meet sina Luna (anak nina Ryan at Judy Ann) at Zia (anak nila ni Dingdong). Sabi ni Judy Ann, may personalities ang mga bata na magsa-swak. Sana matuloy na,” pagtatapos ni Marian.