Ni: Jun Ramirez at Bella Gamotea

Hindi agad ipade-deport ang puganteng Koreano na inaresto sa Pampanga kamakailan, habang hinihintay ang karagdagang imbestigasyon sa pagkakasangkot nito sa kalakalan ng ilegal na droga, sinabi kahapon ng Bureau of Immigration (BI).

Si Noh Jun Ho, 45, ay wanted din sa kanyang bansa dahil sa nasabi ring kasalanan.

Sinabi ni BI Commissioner Jaime Morente na makikiusap siya sa Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA) na pansamantalang kunin si Ho, upang ito ay maimbestigahan at, sa oras na napatunayan, kasuhan ng paglabag sa anti-drug law.

National

DepEd, sinabing walang korapsyon sa pamumuno ni Sonny Angara

“We want the PDEA to investigate if he was really involved in illegal drugs,” the BI chief said, adding that the bureau will surely run after other Koreans or foreigners who might be pinpointed as his accomplices or cohorts in his criminal activities.” ani Morente.

“Should we find that said reports about him are not true, then that’s the time we will deport him to Korea so he could be prosecuted and sentenced for crimes he committed in his country,” dagdag niya.