Ni Tara Yap

ILOILO CITY – Payo ng isang babaeng centenarian para sa mahabang buhay: iwasang magalit.

“I rarely got angry, even when my children were growing up. I just relax,” lahad ng 100 taong gulang na si Judith B. Anam, ng Iloilo.

101517_ILOILO_ CENTENARIAN_YAP CENTENARIAN— Judith B. Anam is all smiles after receiving a P100,000 incentive from Department of Social Welfare and Development (DSWD) for reaching the age of 100. (Tara Yap)
101517_ILOILO_ CENTENARIAN_YAP
CENTENARIAN— Judith B. Anam is all smiles after receiving a P100,000 incentive from Department of Social Welfare and Development (DSWD) for reaching the age of 100. (Tara Yap)

BALITAnaw

ALAMIN: Mga dapat mong malaman tungkol kay Jose Rizal

Sa tulong ng tungkod, nakakalakad at kaya pang makipag-usap nang maayos ni Lola Judith kahit na medyo hirap siya sa pandinig. Regular na naglalaro ng mahjong at nagbabasa ng dyaryo at mga nobela ang retiradong guro, upang mapanatiling matalas ang kanyang pag-iisip.

Aniya, mayroong din siyang healthy diet dahil kumakain lamang siya ng isda at gulay.

“Without knowing it, I reached (the age of) 100,” sabi ni Lola Judith sa Balita matapos makatanggap ngayong linggo ng P100,000 insentibo bilang centenarian.

Tinukoy ng Department of Social Welfare and Development (DSWD) ang 26 na centenarian mula sa iba’t ibang rehiyon sa bansa bilang mga benepisyaryo ng Centenarian Act of 2016.

Ayon kay Judith Tanate-Barredo, DSWD regional focal person for the elderly, umabot na sa P36.7 milyon ang naipamigay sa 367 centenarian simula noong nakaraang taon.

Samantala, mamimigay din ang DSWD-Region 6 ng cash incentives sa 19 centenarians mula sa Negros Occidental.