Ni NOEL D. FERRER

DAHIL sa weekend at dalawang araw na walang pasok, kasama na ang good word-of-mouth, isa kami sa mga natutuwang tagasuporta ng pelikulang Pilipino na umabot na sa P100M mark ang Star Cinema movie na Seven Sundays starring Aga Muhlach, Dingdong Dantes, Enrique Gil, Christine Reyes and Ronaldo Valdez directed by Cathy Garcia- Molina.

AGA copy copy

Now on its second week, magsisimula na ang international screenings ng Seven Sundays which has been getting rave reviews especially with its noteworthy performances despite the unpredictable ending with a bang. (No spoilers here, huh!)

ALAMIN: Ano nga ba ang EBET Law na pinirmahan ni PBBM

Nagsilbi itong magandang hudyat ng pagbabalik sa big screen ni Aga Muhlach, ang premyadong aktor, quintessential matinee idol, at leading man. Nangbulaga ang kanyang pagbabalik-pelikula after five years (his last movie was with Regine Velasquez sa Viva Films na Of All The Things.)

This early, inihahanda na ang shoot ni Aga para sa bago niyang pelikula with Bea Alonzo sa direksiyon ni Paul Soriano.

Tutungo sila sa U.S. sa November para i-shoot ito at significant ito pareho para kina Aga at Bea na ngayon pa lang sasabak sa paggawa ng independent film.

Matagal ding naghanap ng magandang indie material si Aga, at alam ko na marami na rin ang kumausap sa kanya para sumubok sa indie, pero itong materyal mula sa produksiyon ni Direk Paul ang nagustuhan niya.

Ganoon din naman si Bea, bagamat nakagawa na ng indie projects ang kanyang naging leading men -- from John Lloyd Cruz to Piolo Pascual, even to Gerald Anderson -- that fulfilled their artistry, ngayon pa lang siya makakagawa ng independent project, sa wakas.

At kapag dalawang committed artists ang nagsama sa isang proyekto, asahan nating magiging significant at memorable ito.

Congratulations Aga at Belated Happy Birthday Bea!