Sinabi kahapon ni Defense Secretary Delfin Lorenzana na bago matapos ang Oktubre ay posibleng magbigay sila ng rekomendasyon kay Pangulong Duterte na maaari nang bawiin ang ipinatutupad na martial law sa Mindanao.

Sa interview sa Radyo 5, sinabi ni Lorenzana na lumutang ang mga panawagan na bawiin na ang martial law nang mapatay ang Abu Sayyaf leader na si Isnilon Hapilon at Maute Group leader na si Omar sa main battle area sa Marawi City.

Sinabi niya na kabilang sa mga humihiling sa kanya ang mga negosyante sa Mindanao na nangambang baka hindi na dumating ang investors o hindi na magtayo ng negosyo sa Mindanao.

“Sabi ko sa kanila ay gagawa kami ng assessment ngayon, mula ngayon hanggang siguro katapusan ng buwan na ito at siguro magbibigay ako ng... magbibigay kami ng rekomendasyon kay presidente siguro within this month, before the end of this,” sabi ni Lorenzana.

National

50.78% examinees, pasado sa Nov. 2024 Licensure Exam for Agriculturists

Sinabi rin niya na sa kabila ng pagkamatay ng dalawang teroristang lider, ang banta ng ISIS sa bansa at sa Southeast Asia ay hindi pa rin humuhupa.

Samantala, sinimulan na ring pag-aralan ng mga senador kahapon and posibilidad ng pagbawi sa deklarasyon ng martial law sa Mindanao.

Ayon kay Senator Joseph Victor “JV” Ejercito, naniniwala siya na hindi pa dapat alisin ang martial law sa Mindanao, dahil kailangan pang ipagpatuloy ng mga tropa ng pamahalaan ang clearing operations at siguruhing ] nalipol na ang lahat ng terorista.

Gayunpaman, naniniwala naman si Sen. Panfilo “Ping” Lacson na ang martial law ay hindi na dapat pang umabot hanggang Disyembre 31.