Ni Genalyn D. Kabiling

Ang bakbakan sa Marawi City ang “longest” sa kasaysayan ng Pilipinas, na ikinamatay ng mahigit 800 terorista, ayon sa Armed Forces of the Philippines (AFP).

Gumastos din ang gobyerno ng “billions of pesos” upang maitaguyod ang military operations laban sa Maute-ISIS, na sumalakay sa lungsod noong Mayo 23, ayon kay AFP spokesman Major Gen. Restituto Padilla, Jr.

“Historically, the battle of Marawi is now the longest since World War—since the end of World War II in a single area… in the Philippines,” sinabi ni Padilla sa Palace press briefing kahapon.

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho

“To date, there are over 800 of their members who have been killed in the ongoing fire fight and this has been the biggest and most significant numbers that we have done to impact on this organization and this has not happened previously,” dagdag niya.

Hanggang nitong Lunes, aabot sa 847 terorista ang napatay sa Marawi conflict. Habang nalagasan naman ang gobyerno ng 163 tropa at nasawi ang 47 sibilyan.