Ni: Alexandria Dennise San Juan at Jun Fabon

NAISTORBO ang sana’y chill out night ni Baron Geisler nang muli siyang arestuhin dahil sa diumano’y panggugulo sa isang restobar sa Tomas Morato Avenue, Quezon City, nitong Martes ng gabi.

101717_Geisler in Jail_09_QC_Jun Arañas copy

Isinailalim si Baron sa kustodiya ng Quezon City Police District Station 10 (PS-10) na siyang nakatanggap ng tawag tungkol sa pagwawala diumano nito sa isang restobar.

Human-Interest

Netizen, ayaw na magbigay ng regalo sa pamilya niyang hindi marunong mag-appreciate

Lumalabas na banned pala si Baron sa bar dahil sa mga nakalipas na gulong ginawa.

Ayon kay Supt. Christian dela Cruz, PS-10 Commander, nagtungo si Baron sa naturang bar dakong 9 PM. Sinabi ng management na tila maayos naman ang aktor kaya hinayaan siyang pumasok at uminom.

Makalipas ang ilang minuto, pinagsisigawan na ni Baron ang guwardiya at ang mga customer na ikinaalarma ng management, kaya tumawag sila sa pulisya.

Nang dalhin si Baron sa istasyon ng pulisya, iginiit niya na hindi siya nangggulo sa bar.

Nagsisigaw at nagmumura rin siya, at inakusahan ang mga pulis na hindi sumunod sa due process sa pag-aresto sa kanya.

Sinabihan din ni Baron ang mga pulis na kumuha ng kopya ng clip mula sa closed-circuit television (CCTV) para malinawan sa mga alegasyon laban sa kanya.

Kahapon, sumailalim na sa inquest proceedings ang aktor sa Quezon City prosecutor’s office at mahaharap siya sa mga kasong alarm and scandal, at unjust vexation.