NI: PNA
BACOLOD CITY – Nakihati ng puntos si Filipino Grandmaster Rogelio “Joey” Antonio Jr. laban kay top seed at GM Nigel Short ng England para mapanatili ang kalahating puntos na bentahe sa kalagitnaan ng nine-round Piaya Network 2017 Negros International Open Chess tournament sa Ikthus Osbron Hall dito.
“Out of respect na rin kaya pumayag na ako sa tabla,” sambit ni Antonio, sa kauna-unahang pagkakataon sa nakalipas na taon ay sumasabak laban sa ilang miyembro ng top 100 player sa mundo.
Pinakamatanda sa grupo sa edad na 50-anyos, umabot si Short sa over 2700 rating, at isa sa kinatatakutan sa grupo.
“Si Nigel (Short) lang talaga ang inaabangan diyan. Lamang ako sa position pero a draw is not a bad result after all,” pahayag ni Antonio.
Tangan ng 55-anyos na si Antonio ang 2365 Elo rating at napalaban siya kay Short, umabot sa 2698 ang puntos para sa 333 point-gap.
Nangunguna si Antonio na may 4.5 puntos at sunod na makakaharap si fourth seed GM Srinath Narayanan ng India sa the ensuing sixth round action nitong Lunes. Nakabuntot sina Short na mapapalaban kay Montoya pat second seed GM Karen Grigoryan, na may 3.5 puntos.