Ni: Nora Calderon

PATULOY na saya at pasasalamat ang ihahatid ng Eat Bulaga sa fans nina Alden Richards at Maine Mendoza na nagsimula nang unang magkita ang dalawa noong July 16, 2015 sa pamamagitan ng split screen. Ito ang lalong nagpataas sa ratings ng noontime show dahil sinubaybayan ito hindi lamang sa Pilipinas kundi maging sa iba’t ibang bahagi ng mundo na naaabot ng GMA Pinoy TV.

maine at alden copy

Wala pa ring nakapapantay sa “Eat Bulaga Special: Tamang Panahon” noong October 24, 2015 -- nang first time na magkausap sina Alden at Maine, kahit may episodes nang nagkita na sila nang personal -- sa napakalaking Philippine Arena sa Bocaue, Bulacan. Napuno ito ng mahigit 55,000 katao na nanood ng non-stop show, no commercial break simula 10:00 AM, napanood sa buong mundo, nagtala ng pinakamataas na Twitter votes of more than 41 million sa loob lamang ng isang araw, na naitala sa Guiness Book of Records.

Trending

Netizens, 'laglag-panty' sa bodyguard ni VP Sara; sino siya?

Nagpatuloy ang masasayang araw ng AlDub Nation after a year, nang muling nagpasabog ng EB ng mala true-to-life wedding nina Alden at Maine noong October 22, 2016 sa Christ The King Church sa E. Rodriguez Avenue, Quezon City.

Sinundan iyon ng teleserye nina Alden at Maine na Destined To Be Yours na handog ng GMA Network para sa fans, pero hindi ito ang serye na gusto ng AlDub Nation kaya hindi nila masyadong tinangkilik. February 2017 iyon sinimulan at natapos after three months.

Nag-expect ang AlDub Nation na masusundan agad ito ng pangalawang movie nina Alden at Maine, pagkatapos ng blockbuster movie na Destined To Be Yours in 2016, pero naging abala ang dalawa sa iba’t iba pang commitments nila at hindi makakuha ng schedules para masimulan agad.

Pero heto at may biglaan na namang regalo ang Eat Bulaga nang i-announce nila nitong nakaraang Sabado na may ipalalabas na telemovie ang noontime show sa Saturday, October 21, at ipinakita ang layout ng “Love Is...”

Nasa teaser ang “Love Is...” An Eat Bulaga Film for TV by Adolf F. Alix Jr., October 21, 2017. Ayon naman sa Instagram post ni Rams David ng APT Entertainment, “It is a unique love story” pero wala nang details.

Sinubukan naming i-text si Direk Adolf kung ano ang story ng “Love Is...” at kung anong oras ito ipalalabas sa Eat Bulaga, pero maliban sa sagot niyang, “i-update ko po kayo,” wala na siyang sinabi pang iba, pati nang tanungin namin kung tapos na siyang mag-taping at kung sinu-sino ang kasama sa telemovie nina Alden at Maine.

Nag-trending agad sa Twitter ang announcement ng EB at sunud-sunod ang pasasalamat ng AlDub Nation sa sorpresang ito.

So, sunud-sunod na taon, simula noong 2015-2017, mukhang naging anniversary month na ng EB para sa fans nina Alden at Maine ang pagbibigay ng sorpresa sa kanila.