Ni: Leandro Alborote

BAMBAN, Tarlac – Binawian ng buhay ang isang tricycle driver at pasahero nito makaraang makabanggaan at makaladkad ng Isuzu Forward truck ang kanilang sasakyan sa Barangay Anupul, Bamban, Tarlac, nitong Lunes ng umaga.

Kinilala ang mga biktimang sina John Aron Alimurong, driver; at Arjay Dela Cruz, 18, kapwa taga-Bgy. Old Anupul, Bamban.

Kinilala naman ang truck driver na si Jessie Carlos, 26, ng Bgy. Navy, Capas.

Probinsya

'Layas!' Mayor Kerwin Espinosa, pinapaalis mga adik sa Albuera

Dakong 3:00 ng umaga at patungo ang truck sa Mabalacat City, Pampanga nang makabanggaan ang kasalubong na tricycle.