UNTI-UNTI nang inaani ng Philippine Racing Commission (Philracom) ang itinanim na mga programa, tampok ang pagiging miyembro ng International Federation of Horseracing Authorities (IFHA).

sanchez copy

Nalagpasan ng ahensiya ang mababang racing revenues sa nakalipas na tatlong taon sa kahanga-hangang pagsirit sa takilya sa dagdag na koleksyon na P8 milyon sa loob lamang ng siyam na buwan.

Sa datos nitong October 11, 2017, umakyat ang horse-racing revenues sa P8,002,595 (0.14%) mula sa P5,653,542,572 noong 2015 at P5,645,539,977 sa huling quarters ng naturang taon.

Human-Interest

Mag-asawang hindi nakapagtapos ng pag-aaral, pinagtapos naman ang 9 na anak!

“This is very significant considering the dwindling revenues the past three years. The Philracom not only arrested the free fall, it also bettered last year’s revenues with less racing days at that,” pahayag ni Philracom Chairman Andrew A. Sanchez.

“The figure is still bound to increase further as we still have the big races coming in the last two months, like the Amb. Danding Cojuangco Cup, Chairman’s Cup, Presidential Gold Cup, Philracom Juvenile Championship and the MARHO and Philtobo Racing Days to name a few,” aniya.

Markado rin sa Philracom ang P22,170,755 average sales kada araw ng karera sa taong 2017 para sa napakalaking paglago sa kinita mula sa P21,303,924 average sales sa nakalipas na taon.

Ang P2,510,454 average sales kada karera ngayong taon ay malaki ring pag-angat sa P2,450,321. average noong 2016.

“Increasing our prizes and implementing a new rating-based handicapping system as a result of our recent membership with IFHA, together with our marketing campaign have contributed to the steady increase in racing revenues,” sambit ni Sanchez, patungkol sa isinulong ng commission na ihalintulad ang programa ng Philracom sa IFHA na klaro ang misyon para mapalakas ang kalidad ng mga karera.

Nitong nakalipas na buwan, pormal na isinulong ng Philracom ang rating-based handicapping system batay sa panuntunan ng IFHA, sa tulong ni Iternational expert Michael Wanklin.

Ito ang ikatlong pagkakataaon ngayong taon na nagdala ang Philracom sa bansa nang mga experts sa horce-racing management.

Nitong April, dumating sa bansa si Japanese Racing Association Facilities Co. LTD. Director Kazuhiro Youfu at JRA Facilities Co. LTD. na pinangangasiwaan ni Adviser Sadamichi Imabayash.

Nitong Setyembre, itinas ng Philracom ang kalidad sa pambatong racetracks , habang nag-host ang Commission sa international racing consultant Ciaran Kennelly.

“Racing aficionados are now more confident to place their bets in our races because of the innovations that we are now implementing,” sambit ni Sanchez.

Samantala, inilabas ng Philracom ang nominasyon para sa lalarga sa 2017 Philracom Sampaguita Races sa Oct. 22 sa Saddle & Clubs Leisure Park, Naic Cavite na may distansiyang 1,800 meters.

Ang mga entries ay Heiress of Hope at Song of Songs ni wwner Banjamin C. Abalos Jr. at trainers Melvin R. Villegas Ruben Tupas; Marinx nina Narciso O. Morales at Nelson A. Lorica; Pinay Pharaoh ni Herminio S. Esguerra at Tupas; Pradera Verde ni Dennis G. Pineda at Tupas; at Trust My Luck na pagmamay-ari ni Christian Daniel L. Velasco at trainer Jose Mario Paulo S. Jacob.

May kabuuang P2 millyon ang naghihintay sa karera tampok ang P1.2 milyon sa mananalo at P450,000 sa runner-up. Magbibigay din ng breeder’s purse na P70,000.