Ni: Reggee Bonoan

KAHIT wala sa bansa ang 1993 Awit Awardee na si John Melo ay pinatutugtog na sa mga radio program sa Visayas at Mindanao ang kanyang pamaskong awiting handog sa OFWs na Malapit Na Ang Pasko.

John album copy

Kamakailan lang ito ini-record ni John sa Amerika pagkatapos sulatin ng multi-awarded songwriter na si Jimmy Borja at nitong Oktubre lang ini-release sa Pilipinas at agad nagustuhan ang mensahe para sa mga OFW.

Lifehacks

PAALALA: Sumakses na umiwas sa mga plastik!

Sabi ni John nang maka-chat namin nitong weekend, “As a gift and sense of gratitude for my 25th year anniversary in music, alay ko itong Malapit Na Ang Pasko for OFWs and all Filipinos.

“Happy ako kasi excited ang mga kababayan nating Pinoy diyan sa Pilipinas same here in US na OFW naman dahil ‘yung lyrics ng Malapit Na Ang Pasko ay sakto sa kanila kasi nami-miss nila ang loved ones nila diyan sa ‘Pinas.

“Patutugtugin na ‘yung kanta ko sa Cebu this week at sa Energy FM naman nag-start na rin i-play. Maganda ang feedback, nakakatuwa kasi maski wala ako diyan, naalala ako dahil sa kanta ko.”

Darating ng Pilipinas si John sa unang linggo ng Nobyembre para sa promo ng Malapit Na Ang Pasko bukod pa sa dadalawin niya ang pamilya at makikipagkita sa loyalistang fans pagkalipas ng 25 years.

Si John ay proud owner ng Gorgeous Smile dental offices sa Newark at San Jose California katuwang ang asawang si Precilyn Silvestre-Melo at isa rin siyang Real Estate planner sa Keller Williams Realty Danville.

Pangarap ni John na maging paboritong awitin ng Pinoy ang unang Christmas song niya sa tuwing sasapit ang Pasko tulad din ng Christmas In Our Hearts ng idol niyang si Jose Mari Chan na paborito niyang patutugin.

“Nakakatuwa nga, tawag sa akin dito (San Francisco) OFW King of Ballads kasi kapag may mga show dito at naiimbitahan, lagi rin naman akong nagpapaunlak,” saad ng mang-aawit.

Totoo ang kasabihan, hindi mo talaga makakalimutan ang unang pag-ibig at ganito ang nangyari kay John kahit successful dentist na sa US at real estate broker din. Hindi pa rin niya nakakalimutan ang pagkanta.

Sinunod din kasi ni John ang magulang niya na gusto siyang maging dentista kaya tinapos niya ang pag-aaral at dahil may magandang oportunidad sa Amerika, sinamantala niya hanggang sa sinuwerte at nagkaroon ng pamilya.

Aniya, “Ganu’n pala talaga, Reggee ‘pag mahal mo ang isang bagay, babalikan at babalikan mo talaga. ‘Kaso may edad na ako at maraming mga bagong singers na ngayon kaya hindi na ako makikipag-compete pa sa kanila, siguro tutulong na lang ako sa mga gustong maging singer na nakikitaan kong puwedeng sumikat, ipagpo-produce ko na lang sila ng album.

“May talent na ako dito, Fil-Am, isang guwapong lalaki at magandang babae, ipo-produce ko sila ng album ‘tapos through social media ang promo ng album total ‘yun naman ang uso ngayon. Pag kinailangan nilang umuwi diyan, uuwi kami.”

Samantala, magkakaroon ng radio tour si John pag-uwi niya ng Pilipinas sa Nobyembre para pasalamatan ang lahat ng nagpapatugtog ng awitin niya.

Available na ang Malapit Na Ang Pasko sa Spotify, Youtube at Facebook account na John Melo o sa website www.johnmeloofficial.com.