Ni: Light A. Nolasco

CABANATUAN CITY - Inalmahan ng mga residente ang ipatutupad na Bill Deposit (BD) ng Olongapo Electric Distribution Corporation (OEDC) sa lahat ng residente na hindi makakabayad sa kinonsumo nilang kuryente sa Nobyembre 14, 2017.

Sa liham na ipinadala ng OEDC sa mga consumer nito, ginagarantiyahan umano ng Bill Deposit na kailangang makabayad ang mga consumer sa tamang oras upang hindi sila maputulan ng serbisyo ng kuryente.

Daing ng mga consumer, mas maigi pa umanong putulin ang kanilang kuryente sakaling hindi sila makabayad sa halip na singilan ng deposito, kahit nakasaad ang naturang patakaran sa Magna Carta for Electricity Consumers.

Probinsya

Sabunutan ng ilang LGBTQIA+ members at isang babae, sumiklab sa kasagsagan ng Simbang Gabi

Ilang beses na tinangka ng Balita na kuhanin ang panig ng OEDC sa usapin, pero hindi sumasagot si Vice President for Customer Relations and Operations Engr. Bonifacio Rana sa mga text at tawag sa telepono.