Ni AARON B. RECUENCO

Sinabi ni Philippine National Police (PNP) chief Director Gen. Ronald “Bato” dela Rosa na personal niyang hihilingin kay Pangulong Duterte na ibalik sa pulisya ang pagpapatupad sa drug war sakaling lumala ang sitwasyon ng ilegal na droga sa bansa.

Pero sa ngayon, sinabi ni dela Rosa na inirerespeto niya ang pasya ng Pangulo na bawiin sa PNP ang pagpapatupad sa drug war, at buo ang tiwalang maayos itong maisasagawa ng Philippine Drug Enforcement Agency (PDEA), sa ilalim ng pamumuno ni Director General Aaron Aquino.

“According to the law, it is really the PDEA which is mandated to address the drug situation in the country. We are just supporting but in the process, they thought that we are the main effort because the PNP is a big organization,” sabi ni dela Rosa.

National

Diokno kay Ex-Pres. Duterte: ‘Tara na, i-set na natin ang date mo sa ICC!’

Ayon sa Chief PNP, patuloy silang magmo-monitor sa sitwasyon, ngunit sakaling makumpirma ng pulisya na nagpapatuloy na muli ang lantarang bentahan ng droga sa lansangan ay kailangan niyang kumilos.

“We will see. If you can easily buy shabu on the streets openly, maybe I would talk to him (President Duterte) and ask for (PNP) return,” sabi ni dela Rosa.

Aminado si dela Rosa na nalulungkot siya sa naging pasya ng Pangulo kahit pa naging matagumpay ang PNP sa pagpapatupad nito simula noong Hulyo ng nakaraang taon.

Tinukoy niya ang pagsuko ng nasa 1.3 milyon hinihinalang adik at tulak, habang libu-libong iba pa ang kung hindi napatay ay naaresto sa operasyon.