Magiging P20,300 mula sa kasalukuyang P10,900 ang maximum pension na matatanggap sa Social Security System (SSS) sa 2026 kapag nakapaghulog nang hindi bababa sa 30 taong kontribusyon.

Habang ang huling limang taon bago magretiro ay batay sa P30,000 nakadeklarang buwanang kita na bahagi ng isinusulong na pag-amyenda sa batas ng SSS. Tataas din ang maternity, sickness at funeral benefits.

Sinabi ni SSS President at Chief Executive Officer Emmanuel F. Dooc, na ang tagumpay ng SS Reform Act of 2017, na tinatalakay pa sa komite ng Senado, ang magpapaunlad ng benepisyo ng mga miyembro.

“Tataas ng hanggang P20,300 ang tinatayang pensiyon ng mga miyembro sa 2026. Katulad ng naunang panukala ng SSS, ang adjustment sa MSC ay tataas taun-taon sa P20,000 sa susunod na taon, P25,000 sa 2020, at P30,000 sa 2021. Habang tumataas ang deklaradong kita ng miyembro, tumataas din ang benepisyo dahil dito kinukwenta ang kabuuang hulog at benepisyo nila mula sa SSS,” ani ni Dooc.

VP Sara, tahasang iginiit na hindi niya binoto si Romuadlez

Sa ilalim ng kasalukuyang maximum monthly salary credit (MSC) na P16,000 at contribution rate na 11 percent, ang pinakatamaas na pensiyon na maaaring tanggapin ngayon ng miyembrong nakapaghulog ng hindi bababa sa 30 taon, ay P10,900 lamang.

Batay sa kasalukuyang MSC, ang maximum average daily salary credit ay P533 kaya ang miyembro ay makikinabang sa P480 kada araw na benepisyo sa pagkakasakit. Kapag tumaas sa P30,000 ang MSC at nadagdagan ang kontribusyon, tataas ang sickness benefit sa P900 kada araw.

Para sa maternity benefit, ang caesarean delivery ay magiging P78,000 mula P41,600. Ang normal delivery ay P60,000 mula P32,000. - Jun Fabon