Naniniwala ang mga kaalyadong kongresista ni Speaker Pantaleon Alvarez na tataas din ang kanyang approval ratings kapag nalaman ng mga mamamayan na ipinasa ng Kamara ang mahahalagang panukalang batas para sa bansa at mga Pilipino.

Umabot lamang sa 8% ang approval ratings ni Alvarez sa survey ng Social Weather Stations. Maging sa survey ng Pulse Asia ay pinakamababa ang kanyang nakamit.

Kabilang sa pinagtibay ng Kamara, sa ilalim ng liderato ni Alvarez, ang tungkol sa kagalingan at kapakanan ng mahihirap at iba pang nasa “laylayan ng lipunan”, pagsusulong sa development ng bansa at iba pa.

Ayon kay Deputy Speaker at Cebu Third District Rep. Gwendolyn Garcia, dahil sa kakayahan at mahusay na liderato ni Alvarez, naipasa ng kapulungan ang mahahalagang panukalang batas para sa kagalingan at kabutihan ng mahihirap, nakatatanda at kabataan tungo sa paglusog ng pambansang ekonomiya. - Bert de Guzman

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands