NAUWI sa kontrobersiyal na 12-round split draw ang paghamon ni dating world rated Jobert Alvarez kay OPBF flyweight champion Keisuke Nakayama na ginanap kamakalawa sa Korakuen Hall sa Tokyo, Japan.
Kinilingan ng Hapones na judge si Kazuo Abe si Nakayama sa iskor na 115-113, nanalo si Alvarez sa Filipino judge na si Randy Caluag sa 115-114 ngunit sa halip na neutral judge ay isa na namang Hapones ang umiskor ng tablang 114-114 kaya nanatili kay IBF No. 15 na si Nakayama ang kampeonato.
“Making his initial defense since his coronation last June, OPBF flyweight champ Keisuke Nakayama a slick-punching southpaw at 112, barely kept his regional belt when he was held to a hard-fought draw with sharp and speedy Filipino Jobert Alvarez 111.25, over twelve hard-fought rounds on Friday in Tokyo, Japan,” ayon sa ulat ng Fightnews.com.
“The OPBF#8 Alvarez, two years his junior at 27, was a better boxer than his credentials indicated in a competitive fight of southpaws,” dagdag sa ulat. “The official verdict was as follows: Kazuo Abe (Japan) 115-113 for the champ, Randy Caluag (Philippines) 115-114 for the challenger, Kazunobu Asao (Japan) 114-114. The third man was Kazutoshi Yoshida (Japan).”
Hindi dapat pinayagan ng mga opisyal ng OPBF na dalawang Hapones ang hurado sa laban kaya nabibibiktima sa ganitong sitwasyon ang tulad ni Alvarez na nagbabalik matapos mabigo ang kampanya sa Amerika.
Napaganda ni Nakayama ang kanyang rekord sa 10-2-2 na may 4 panalo sa knockouts at si Alvarez ay may karatda ngayong 17-2-2 na may 7 KO. - Gilbert Espena