INIHAYAG ng Philippine Charity Sweepstakes Office (PCSO) ang pasasalamat sa Philippine National Police Criminal Investigation Detection Group (CIDG) ng Zambales dahil sa matagumpay na operasyon laban sa “Peryahan ng Bayan” sa Olongapo City.

Sinabi ng PCSO General Manager Alexander Balutan na sinalakay ng CIDG Zambales ang isang draw court ng ‘[Peryahan ng Bayan’ sa Gordon Avenue sa Barangay Pagasa at inaresto ang limang empleyado ng Globaltech Mobile Online Corp, ang operator ng nasabing pasilidad.

Ayon kay Balutan, walang humpay ang PCSO sa pagpapatupad ng Executive Order No. 13 ni Presidente Rodrigo Duterte laban sa mga iligal na numero na laro at lahat ng anyong iligal na pagsusugal at patuloy na pinopromote at pinoprotektahan ang Small Town Lottery (STL) ng gobyerno, ang tanging legal na numero ng laro sa bansa.

“We cannot thank CIDG Zambales enough for moving promptly on the complaint of our Zambales branch manager Pierre Ferrer. The efficiency of CIDG Zambales is a big help in increasing the charity funds of the government,” sabi ni Balutan.

Probinsya

Magjowang ikakasal na ngayong taong, patay matapos maaksidente

Aniya, ang mga kita ng PCSO ay naapektuhan ng patuloy na operasyon ng iligal na pagsusugal na hindi makatarungang nakikipagkumpitensya sa mga legal na produkto ng PCSO, lalo na ang Small Town Lottery (STL).

Ang Globaltech ay pinakalooban ng isang taon na awtorisasyon upang patakbuhin ang Peryahan ng Bayan noong 2014, ngunit ang PCSO sa ilalim ng pangangasiwa ni Duterte ay tinapos ang deed of authorization (DOA) nito noong 2016, dahil sa patuloy at paulit-ulit na pagtanggi ng Globaltech naibigay ang kaukulang bahagi ng gobyerno.

“Unfortunately, Peryahan ng Bayan continues to operate in different parts of the country although the PCSO had already terminated its deed of authorization last year,” pahauag ni PCSO Chairman Jose Jorge Corpuz.

Sa katunayan, ayon kay Ferrer, ang limang empleyado ng Globaltech ay hindi nakapagpakita ng anumang dokumento na may awtoridad sila mula sa pamahalaan na patakbuhin ang nasabing laro.

“The employees were asked for documents authorizing their operations from PCSO or any government agency, but they failed to show any so the CIDG confiscated their paraphernalia, including two draw machines and a draw result board,” ang sabini Ferrer.

Ayon pa kay Ferrer na ang limang empleyado ng Globaltech ay naaresto sa aksyon ng pagguhit ng mga nanalong numero dahil isa sa mga numero ay nakasulat pa sa board nang dumating ang mga awtoridad.

“The PCSO wants to thank and commend CIDG Zambales for their efficiency in enforcing the law,” ang sabi ni Balutan.