Asahan ng mga motorista ang nakaambang dagdag-bawas sa presyo ng petrolyo na ipatutupad ng mga kumpanya ng langis sa bansa ngayong linggo.

Posibleng tumaas ng sampung sentimos ang presyo ng kada litro ng gasolina kasabay ng pagbaba ng hanggang 20 sentimos sa kerosene at limang sentimos naman sa diesel.

Ang bagong price adjustment ay bunsod ng paggalaw ng presyuhan ng langis sa pandaigdigang pamilihan.

Sa huling datos ng Department of Energy (DoE), ang presyo ng gasolina ay P40.55-P50.55 kada litro, habang P31.15-P36.00 naman sa diesel. - Bella Gamotea

Empleyadong lasing, patay matapos sapakin ng ginising na katrabaho