Ni ADOR SALUTA

NAKAPANAYAM ng PEP si Mayor Herbert Bautista sa ginanap na MLQ Gawad Parangal 2017 sa Seda Hotel, Quezon City last Thursday at isa sa mga itinanong kung may komunikasyon pa sila ni Kris Aquino.

KRIS AT HERBERT copy

“Oo naman. We communicate, pero hindi na salita,” makahulugang tugon niya.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Ang huling balita kina Herbert at Kris na laging pinagdududahan na nagkabalikan ay nang magpangkita sila sa Italy noong nakaraang Marso. Sinabi nila noon na magkaiba ang kanilang pakay sa Italy at hindi lang sinasadyang magkita sila roon.

Hindi ipinaliwanag ni Mayor Herbert kung ano anng ibig sabihin niya sa komunikasyon nila ni Kris na “hindi na salita”.

Nang tanungin kung hiwalay na talaga sila, “Matagal na” ang natatawang sagot ng alkalde.

Kung naging sila ba talaga?

“Hindi rin. Wala lang... ano lang, kaibigan lang.”

Taliwas ito sa mga naging pahayag ni Kris noon.

Simula nang lumipat si Kris sa Quezon City mula sa Makati, nagsimula rin ang mga usap-usapan na may plano itong tumakbo para konsehal o alkalde. Kaya itinanong din ito.

“Hindi, hindi siya tatakbo dito,” tiyakang sagot ni Mayor Herbert.

Noong nakaraang Linggo, October 8, mula sa Liberal Party ay lumipat o bumalik si Herbert sa Nationalist People’s Coalition (NPC). Bakit?

“I think NPC is a good party. The party siyempre… they’re strong in the provinces. And they are a very influential party sa administration ni President (Rodrigo) Duterte.”

Anong posisyon ang sunod niyang tatakbuhan? Magsesenador na ba siya sa 2019?

“Wala pa, eh, matagal pa naman ‘yun, eh,” sagot ni Mayor Herbert.