Ni Bert de Guzman
Ipinasa ng Kamara, sa ikatlo at pinal na pagbasa, ang panukalang batas na nagtataguyod sa mga karapatan ng caregivers para sa disenteng trabaho at tamang sahod.
Ipinagkakaloob din sa kanila ang proteksiyon laban sa mga pang-aabuso, panggigipit, karahasan at exploitation.
Layunin din ng House Bill No. 6396 o ang Caregivers Welfare Act, na inakda ni Speaker Pantaleon Alvarez at ng mga kongresista, na ma-develop ang mga caregiver “with excellent and globally competitive professional service.”
Sa nasabing panukala, ang isang caregiver ay “graduate of a caregiving course from an accredited training institution that is recognized by the government or is certified competent by that same institution and renders caregiving services.”