Ni: Ador Saluta

SA privilege speech ni Quezon City Councilor Hero Bautista sa Konseho ng siyudad nitong nakaraang buwan, nagpahayag ang kapatid ni Mayor Herbert Bautista na siya ay balik-trabaho na sa 4th District, bagamat hindi pa tapos ang kanyang pagpapa-rehab.

HERO copy

Matatandaan na boluntaryong pumasok si Hero sa drug rehabilitation center nang magpositibo siya sa paggamit ng bawal na gamot.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Lampas isang taon na ang nakakaraan, sa isa ring privilege speech sinabi ni Hero na magli-leave muna siya sa trabaho upang magpa-rehab.

Nakapanayam ng ilang press people ang nakababatang kapatid ni Mayor Herbert nang dumalo siya sa 78th founding anniversary ng Quezon City, na ginanap sa Seda Hotel nitong Oktubre 12.

Kinumusta ng PEP ang estado ng kanyng buhay sa ngayon.

“Mabuti naman, working... working good,” sagot niya at idinugtong na kailangan din niyang ayusin ang sarili para sa kanyang dalawang anak — isang 16 anyos at isang 15 anyos.

Ano ang motibasyon niya upang talikuran ang paggamit ng bawal na gamot at pumasok sa rehab?

“Well, I’m getting old, I have to start to fix things,” seryosong sagot ng konsehal. “I have to concentrate on my work, for my kids... I have two kids. Of course, I have to serve my people. I have to motivate myself to be a good public servant.”

Hindi ba siya natakot noon sa kanyang pag-amin na nalulong siya sa droga at sa iisipin ng kanyang constituents?

“Well, when I went back sa labas, with my constituents, masarap ang pagtanggap sa akin, mainit. They missed me a lot, and they were looking forward for me to be with them and serve them. Right now, I’m still under process of going back there (rehab) and working and going back there. Pero after next week, I’ll be off.”

Ano ang mga naging realization niya sa loob ng rehab?

“Well, marami. Ang natutunan ko rin ay ‘yung self-respect, humility, and acceptance na I have to bear with myself, na kailangan mag-mature na ako. And, of course, it’s time for me to concentrate with my kids, of course my work, serve the public as well.”

Bago umamin sa kanyang pagkakagumon sa droga, may kumalat na blind item na tungkol sa isang public servant sa Quezon City na may konek sa showbiz na diumano’y kabilang sa drug list ng Philippine National Police (PNP).

“It’s not true, it’s not true,” pagtanggi ni Hero. “Siyempre, in politics, maraming tsismis ang lumalabas.”

Hindi rin daw dahil sa kanyang trabaho sa showbiz kaya siya nalulong sa droga.

“Well, it’s my personal choice na ganu’n ang nangyari sa akin. Siyempre, it’s my dark past, so we have to move and work for the better.”

Ano ang sabi sa kanya ni Herbert?

“Well, nasaktan si Mayor sa mga ginagawa ko, and napag-usapan namin. And sabi ko naman, I’m ready naman to go in and willing, and voluntary naman akong pumasok.”

Medyo tumaba si Hero ngayon na sa pagkain na lang daw bumabawi at ibinalitang “100 percent clean” na siya sa drugs.

“I’m back, and nais ko na pagsilbihan kayong mabuti nang matagal,” mensahe niya sa kanyang constituents. “Nais ko rin pong ipakita na ang tao ay may second chance, ang pagbabago. Sana gano’n rin po ang mga kabataan natin na nalihis ng landas.

“May pagbabago pa ho tayo at isulong po natin ang pamilya natin. ‘Yun lang po ang sandigan natin, ang pamilya natin,” sabi pa ni Hero.