HEART AT BETERANO
HEART AT BETERANO

Ni REMY UMEREZ

ANG pagdalo ni Heart Evangelista sa taunang stockholders meeting ng Phillipine Veterans Bank ang isa sa mga naging highlight ng pagtitipon na ginanap kamakailan sa SMX Convention Center sa Mall of Asia, Pasay City.

She charmed everybody, bata man o matanda.Todong paghanga at suporta ang isinukli ng mahigit 3,000 dumalo na karamihan ay senior citizens. Maraming kabataan na tumatangkilik sa My Korean Jagiya na pinagbibidahan ni Heart ang nakipag-selfie sa aktres na ni hindi nakitaan ng pagkapagod.

Classic movie ‘Ipaglaban Mo!’, ipinalabas ng CCP bilang kampanya vs VAWC

Naging highlight din ang pagbibigay ng plaque of recognition na may kalakip na gift cash sa tatlong centenarians na naging bayani noong World War II. Dahil hirap umakyat sa stage, si Heart na ang bumaba para personal na iabot ang plaque. Inamin ng aktres na malapit sa kanyang puso ang mga beterano ng digmaan.

Dagdag kasiyahan ang freebies mula sa exhibitors ng health care, wellness and food and drug companies. Nagpa-raffle din ng wheelchairs at walking canes to eligible veterans.

Ang Philippine Veterans Bank ay pag-aari ng mahigit 384,000 Filipino World War II veterans and their designated heirs. Ayon sa mandato, committed ito sa pagkakaloob ng 20% ng taunang net income para sa Board of Trustees of the Veterans ng World War II na siyang namamahala sa mga programang para sa kapakanan ng mga beterano, their widows at mga kaanak.