Ni REY G. PANALIGAN

Hindi maikokonsiderang extrajudicial killings (EJKs) ang pagkamatay ng tatlong teenager na sina Kian delos Santos, Carl Angelo Arnaiz at Reynaldo de Guzman, sinabi kahapon ni Department of Justice (DoJ) Secretary Vitaliano Aguirre II.

Sa isang radio interview, sinabi ni Aguirre na pangkaraniwan ang pagkamatay ng tatlo at “not EJKs.”

Sinabi niya na ang EJK ay binigyang kahulugan sa ilalim ng Administrative Order No. 35, na inisyu noong 2012, na ang pagpatay sa biktimang “member of, or affiliated with an organization, to include political, environmental, agrarian, labor, or similar causes; or an advocate of above-named causes; or a media practitioner or person(s) apparently mistaken or identified to be so.”

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands

At dahil sina Delos Santos, Arnaiz at De Guzman ay hindi miyembro ng media o ng cultural minority groups, hindi maikokonsiderang EJK ang kanilang pagkamatay, ayon kay Aguirre.

Sa nasabing panayam, sinaway ni Aguirre ang mga kritikong nagpapalit ng depinisyon ng EJK para lamang siraan ang administrasyon ni Pangulong Rodrigo Duterte at ang kampanya ng gobyerno laban sa ilegal na droga.

Una nang ginamit ng Office of the President ang probisyon ng Administrative Order No. 35 sa paglilinaw na walang EJK sa bansa sa ilalim ng pamumuno ni Pangulong Duterte.

“The statement of the Philippine National Police (PNP) that there is no case of EJK under the Duterte Administration is based on the operational guidelines stated Administrative Order No. 35,” sabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella.

Sinimulan na ng DoJ ang preliminary investigation sa pagkamatay nina Arnaiz at De Guzman.