Ni: Fer Taboy

Walong katao ang nasagip at isa ang nawawala matapos lumubog ang sinasakyan nilang motorboat sa isang ilog sa San Jose, Occidental Mindoro.

Sa report ng San Jose Municipal Police Station (SJMPS), pinaghahanap pa rin si Leah Mangao, 19, estudyante.

Siyam na katao ang sakay sa bangka na patungo sa Sitio Lamis, Barangay San Agustin.

Probinsya

11 bangkay, narekober sa ‘search and rescue’ sa lumubog na MV Trisha Kerstin 3

Sa lakas ng alon, nasira umano ang katig ng bangka na naging sanhi ng pagtaob at paglubog nito.

Humingi ng tulong si Engineer Gil Gendrano, ng Municipal Disaster Risk Reduction Management Office (MDRRMO), sa pulisya at agad sinimulan ang search and rescue operation.