NAIKAMADA ng NCAA defending champion Arellano University Lady Chiefs ang 25-22, 25-19, 19-25, 31-29 panalo kontra Adamson University para maisubi ang ikatlong puwesto sa Premiere Volleyball League (PVL) Collegiate Conference kahapon sa FilOil Flying V Centre sa San Juan.
Nakaiwas ang Adamson sa straight set lost nang maagaw ang ikatlong set, ngunit ang pagtatangka nilang maipuwersa ang deciding fifth set ay nawalan nang saysay sa matibay na depensa ng lady Chiefs sa krusyal na sandali.
Nakaiskor si Bernadette Flora para sa 26-all, ngunit hindi na bumitiwn ang Arellano nang makuha ang dalawang puntos na bentahe tungo sa pahirapang panalo.
Nanguna sa Lady Chiefs si Regine Arocha na kumubra ng 19 puntos, tampok ang 16 spikes at talong service ace. Nag-ambag si Andrea Marzan ng 14 puntos at tumipa si Necole Ebuen ng 10 puntos.