ISA na lang para sa kasaysayan sa Lyceum of the Philippines University.

Nanatiling malinis ang marka ng Pirates nang pataubin ang Jose Rizal, 100-63, nitong Biyernes sa 93rd NCAA men’s basketball tournament second round elimination sa Filoil Arena sa San Juan City.

Muling nanguna si CJ Perez sa naiskor na 24 puntos, walong board at apat na assists para patatagin ang kampanya sa MVP award at hilahin ang Pirates sa impresibong 17-0 karta. Isang panalo na lamang ang kailangan nila para awtomatikong makausad sa championship round.

Huling balakid sa kanilang dadaanan ang mainit ding San Beda College na naitarak ang sartiling 16-0 winning run para manatiling nasa No.2 spot sa Finals Four. Ang tanging kabiguan ng Red Lions ay sa kamay ng Pirates.

Tatay kay Karl Eldrew: 'Tahimik mong ipanalo mga pangarap mo, dito kami ng Mama mo!'

Nagwagi ang San Beda sa Letran nitong Biyernes, 73-68, para tuluyang maluto ang inaasam na titular duel sa Pirates.

“Kung kakayahin bakit hindi. Basta kami laro lang at kung ano ang ensayo gawin lang ng tama,” sambit ni Lyceum coach Topex Robinson, patungkol sa posibilidad na tapusin ang elimination sa makasaysayang ‘sweep’.

Iskor:

San Beda (73): Tankoua 15, Bolick 13, Oftana 13, Mocon 8, Soberano 6, Abuda 6, Doliguez 5, Potts 3, Noah 2, Bahio 2, Adamos 0, Cabanag 0

Letran (68): Quinto 18, Balanza 16, Calvo 12, Nambatac 8, Ambohot 7, Taladua 4, Vacaro 3, Balagasay 0, Gedaria 0, Mandreza 0

Quarterscores: 21-14, 33-31, 52-53, 73-68

LPU (100): Perez 24, Pretta 9, Tansingco 9, Caduyac 8, Marcelino JC 8, Santos 8, Marata 8, Marcelino JV 6, Serrano 6, Ayaay 4, Nzeusseu 4, Ibanez 4, Liwa 2, Baltazar 0, Cinco 0

JRU (63): Castor 12, Teodoro 11, Dela Virgen 10, Poutouochi 8, Mendoza 8, Sibangan 4, Mariano 4, Grospe 4, Abdul Razak 2, Mate 0, Sawat 0, Pontejos 0, Bordon 0, Lasquety 0, David 0

Quarterscores: 24-18, 42-34, 68-53, 100-63