Ni: Mary Ann Santiago

Itinakda ng Commission on Elections (Comelec) sa Nobyembre 6, 2017 ang muling pagdaraos ng panibagong voters’ registration para sa Barangay and Sangguniang Kabataan elections sa susunod na taon.

Ayon kay resigned Comelec Chairman Andres Bautista, magtatagal ng 25 araw ang voters’ registration, o hanggang sa Nobyembre 30 lamang.

Aniya, layunin nitong mabigyan ng pagkakataon ang mga kuwalipikadong regular at kabataang botante na makapagpatala upang makaboto sa halalan na ipinagpaliban sa Mayo 14, 2018, bagamat unang itinakda sa Oktubre 23, 2017, matapos na lagdaan ni Pangulong Duterte ang Republic Act No. 10952 nitong Oktubre 1.

National

Romina, patuloy na kumikilos pahilaga; hindi na nakaaapekto sa Kalayaan Islands