Ni Charina Clarisse L. Echaluce

Hinimok ng Department of Health (DoH) ang publiko na labanan ang stress sa pamamagitan ng sandosenang “S”.

Sa advisory ng kagawaran, inisa-isa nito ang “12 S” ng stress management; ang self-awareness, scheduling o time management, siesta, speak to me, sounds & songs, sensation techniques ng masahe, stretching, socials, smile, spirituality, stress debriefing, at sports.

Para sa “self-awareness”, iginiit ng DoH ang kahalagahan ng regular na pag-unawa sa sariling opinyon, emosyon at ugali.

Eleksyon

Ex-Pres. Rodrigo Duterte, tatakbong mayor sa Davao City; ayaw tumakbong senador?

“Knowing yourself, getting in touch with your feeling, or being open to experience. The more you know yourself, the better you are at adapting life changes that suit your needs,” anang kagawaran.

Importante rin ang “scheduling” o mahusay na time management, at makatutulong ang paggamit ng “time manager application or buy some notebook organizer”, ayon sa DoH.

Mahalaga rin, ayon sa kagawaran, ang “siesta” o pag-idlip para ma-recharge at ma-relax.

Sa “speak to me”, hinihimok ang mga stressed na mag-unload ng mga hinaing o alalahanin sa isang mapagkakatiwalaang kaanak o kaibigan.

Malaking tulong din ang “sounds and songs”, na epektibong mabisa kontra depresyon at nakapagpapataas ng tiwala sa sarili.

Ang “sensation techniques” sa masahe, at “stretching” ng katawan, ay makatutulong laban sa mga tensiyonadong kalamnan at sa hirap na pagtulog.

Mabisa rin laban sa stress ang “socials”, “smile”, at “spirituality”.

“Devote time to connect with yourself and to God, try medication five to 10 minutes each day and pray to Him for guidance,” anang DoH.

Mahalaga namang sumailalim sa “stress debriefing” kapag dumanas ng matinding krisis sa buhay, gaya ng pagiging biktima ng kalamidad, o pagkawala ng isang mahal sa buhay.

At sa huli, hinihikayat din ang pagkakaroon ng regular na “sports” kontra stress.