Ni: Leonel M. Abasola

Nanindigan ang mga Liberal Party (LP) senator na ang pagpapahayag ng kritismo ay hindi maituturing na destabilisasyon ng pamahalaan.

Ayon kay Senator Francis Pangilinan, LP president, ang pagpuna ay napakahalagang elemento sa isang demokratikong bansa.

“Ang kritisismo at pagpapahayag ng saloobin ay mga haligi ng demokrasya at hindi dapat ituring na destabilisasyon laban sa pamahalaan,” ani Pangilinan.

Tsika at Intriga

JC De Vera, na-offend sa 'biro' ni Alex Gonzaga

Iginiit naman ni Senator Bam Aquino na matagal nang idineklara ng mismong Armed Force of the Philippines (AFP) na itong namo-monitor na anumang pagtatangka ng destabilisasyon laban sa gobyerno.

“The administration needs to learn to take criticisms as these can also help improve ways of running the country,” sabi naman ni Senate Minority Leader Franklin Drilon.